Year 18 na ng tradisyunal na Pamaskong Handog para sa kabataang Bayambangueño! May 2,816 child development learners o daycare pupils ang nakatanggap ng mga regalo na naglalaman ng face mask, loot bag na may laruan, at food packs, ngunit, sa halip na magtipon-tipon sa Events Center katulad ng nakagawian, ipinamahagi na lamang ng mga Child Development Workers sa kani-kanilang barangay ang mga nasabing Pamaskong Handog mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation para manatili silang ligtas mula sa COVID-19.
[smartslider3 slider=1310]