Mga Opisyal ng Bical Sur at Zone 7, Pinulong Ukol sa COVID-19 Health Protocols
Pinulong ang mga opisyal ng Brgy. Zone 7 at Brgy. Bical Sur noong August 24, 2020 upang ipaalala at linawin sa kanila ang mga health and safety protocols ukol sa COVID-19. Noong nakaraang Sabado ay nakapagtala ng limang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa dalawang barangay, kaya naman nagtungo roon si Municipal Health Officer Dr. Paz F. Vallo, PNP-Bayambang Chief PLtCol. Norman T. Florentino, at Municipal Local Government Operations Officer Royolita P. Rosario para siguruhin na nagagawa ang mga kailangang paraan upang hindi na kumalat pa sa iba ang virus.
Kasabay nito ay pinaalala na rin sa mga opisyal ng barangay ang mga direktiba na kailangang ipatupad, kabilang na ang ukol sa pag-angkas sa motor at pag-report sa lahat ng mga umuuwi sa kanilang barangay, upang mapanatiling ligtas ang bayan.
[smartslider3 slider=1161]