Online Garage Sale, Nakalikom ng Pondo para sa mga Proyekto Nito
Matagumpay ang kauna-unahang online ukay-ukay na inorganisa ng LGU noong August 24 sa pamamagitan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team.
Umabot sa 118 viewers ang garage sale sa kasagsagan nito, kung saan nagcomment ng “Mine” sa Facebook page ng BRPAT ang mga nais bumili ng mga pre-loved items na karamihan ay mga branded na damit, sapatos, at bag na dinonate ng iba’t-ibang departamento ng LGU, kabilang sina Councilor Benjamin Francisco de Vera at maging ang pamilya ni Mayor Cezar T. Quiambao.
Ilan sa mga pinakamabilis na nabenta ay mga gamit nina Mayor Quiambao, First Lady Niña Jose-Quiambao, at kanilang anak na si Antonio.
Humigit-kumulang P16,000 ang nabenta ng team, at ang kinita ay nakalaan para sa pagpapaayos ng mga bahay ng mga nasalanta ng buhawi kamakailan at para sa mga Sustainable Livelihood Programs ng MSWDO.
Ayon kay BRPAT head Rafael Saygo, nakatakda ang ikalawang bugso ng Online Garage Sale sa darating na September 1.
[smartslider3 slider=1160]