New DA Grants

Bagong Makinarya at Farming Equipment Mula DA, Muling Natanggap ng mga Lokal na Farmers’ Association

Muling nakatanggap ng bagong farm machineries at equipment ang mga lokal na farming associations, salamat sa kanilang masigasig na paglakad ng aplikasyon sa sa gabay ng Municipal Agriculture Office staff.

Sa latest turn-over ceremony ng DA RO1 sa Pangasinan Research and Experiment Center sa Tebag East, Sta. Barbara, Pangasinan, nakakuha ng four-wheel tractor, harvester, hand tractor at crates ang mga sumusunod na grupo:

Buenlag 2nd Farmers’ Assoc. Inc.- hand tractor (kuliglig)
Buenlag 1st Farmers’ Assoc. Inc. – four-wheel tractor (P1.83M)
Aliguas Olopan na Dumaralos ed Duera, Inc. – Kubota combine harvester (P1.498M)
Barangay Tanolong Farmers’ Assoc. Inc.- 50 plastic crates at 10 knapsack sprayers (P40,775)
Naragsak Warding Farmers’ Assoc. Inc. – 10 plastic crates (P24,975)

Naroon sa awarding ceremony si Marlon Vismanos na pinuno ng Bayambang Municipal Agriculture and Fishery Council at mga kasamahang magsasaka mula sa iba’t-ibang asosasyon.

[smartslider3 slider=1162]