Mga Establisimyento, Ininspeksyon sa Pagsunod sa Health Protocols Kontra COVID-19
Noong May 19, nag-spot checking inspection ang Rural Health Unit, kasama ang kapulisan, sa mga grocery store at iba pang establisimyento kung ang mga ito ay sumusunod pa rin sa mga patakaran gaya ng social distancing, pagsusuot ng face mask, at paglalagay ng alcohol o sanitizer rub at foot o shoe bath sa entrance.
Wika ni Municipal Health Officer Dra. Paz Vallo, “We really need to practice minimum health standards, so our 2-month quarantine will not go to waste.”
Mismong si OIC Chief PLtCol Norman Florentino ang nanguna sa spot-checking na isinagawa ng PNP-Bayambang. Kabilang naman sa mga sanitary inspectors ng RHU I sina Danilo Rebamontan, RSI, at Nathan Florentino, assistant RSI.
(?? RHU 1, PNP-Bayambang)
[smartslider3 slider=1043]