Salamat, BNHS Batch ’80!
Noong May 22, tinanggap ni Vice-Mayor Raul R. Sabangan sa pangalan ng LGU-Bayambang ang donasyon ng Bayambang National High School (BNHS) Class of 1980 na parte ng kanilang fund drive bilang suporta sa COVID-19 Balik Probinsya Program ng pamahalaan.
Kabilang sa kanilang donasyon ay 45 bags ng 25 kilo na bigas, 20 tray ng itlog, 10 kahon ng corned beef, 10 kahon ng beef loaf, 3 kahon ng tuna, 3 kahon ng sardinas, at 3 kahon ng 3-in-1 coffee.
Ang LGU-Bayambang ay nagpapasalamat sa BNHS Batch ’80 na pinamumunuan nina Class President Aurora Glenda B. Ramos at Vice-President Roland C. Padua.
[smartslider3 slider=1044]