BNHS, Itinalaga Bilang Quarantine Facility Para sa mga LSIs
Noong May 15, nag-umpisang italaga ng lokal na pamahalaan ang Bayambang National High School bilang pansamantalang quarantine facility para sa mga locally stranded individuals (LSIs) na umuwi ng walang kaukulang dokumento.
Ito ay alinsunod sa polisiya ng Department of Education sa paggamit ng mga classrooms na nakasaad sa DepEd OSEC memo 2020-002.
Sa pangunguna ng Rural Health Units at sa tulong ng mga kawani ng LGU mula sa iba’t-ibang departamento, nilisan at dinisinfect ang lugar. Inihanda rin ang gymnasium bilang reception area para sa temperature checking, interview, room assignment at orientation.
Lahat ng mga bagong-dating na LSI ay dumaan sa rapid testing para sa COVID-19 gamit ang testing kits na dinonate ni Mayor Cezar T. Quiambao.
Ang sinumang magpositibo ay dadalhin sa PUI facility sa San Gabriel 1st Evacuation Center.
Ito ay mga paraan upang masigurong nananatiling ligtas sa nakahahawang sakit ang mga Bayambangueño sa panahon ng enhanced general community quarantine.
?? – RHU 1, PNP-Bayambang
[smartslider3 slider=1039]