ASF Calamity Victims, Nagsimula Nang Tumanggap ng Ayuda
Nagsimula nang tumanggap ng ayuda ang mga naapektuhan ng African swine fever noong mga nakaraang buwan mula sa Barangay Apalen, Carungay, Tatarac, at Inirangan.
Galing ang tulong mula sa LGU-Bayambang, mga pribadong grupo, provincial government, ABONO Partylist at iba pa.
Noong Dec. 22 at 27 ay naganap ang pamamahagi sa Events Center sa pag-oorganisa nina Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr. at Paralegal Officer and ASF Incident Commander-Designate Germaine Lee Orcino, katuwang ang Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Artemio Buezon at Municipal Veterinarians, Dr. Catalino Tablizo at Dr. Joselito Rosario.
Noong December 6 naman, sa inisyatibo ng Agriculture Office at Bayambang Poverty Reduction Team, umattend ang mga calamity victims sa isang orientation ukol sa iba pang posibleng livelihood projects, available loan program, at product promotion tips.
Ayon kay Orcino, noong December 22 ay nabahagian ng P1,000 ang humigit-kumulang na 2,000 apektadong kabahayan sa tulong ng ABONO Partylist at DSWD.
Noong December 27 naman ay nagpamahagi ng P1,000 mula sa provincial government kada baboy na pinatay, at mayroong 1,014 baboy ang na-cull o pinatay at inilibing.
Mayroon pang nakatakdang tulong na darating mula sa Regional DA office at national government.
[smartslider3 slider=889]