Mayor CTQ, Nanguna sa Inagurasyon ng LTO-Bayambang Extension Office
Pinangunahan ni Mayor Cezar T. Quiambao ang ribbon-cutting ceremony at turnover ng bagong Land Transportation Office (LTO)-Bayambang Extension Office na nasa J.P. Rizal, Poblacion Sur noong ika-18 ng Disyembre.
Ang seremonya ay dinaluhan nina Councilor Amory Junio, LTO Executive Director Atty. Romeo G. Vera Cruz, LTO Region I Director Atty. Teofilo E. Guadiz III at iba pang matataas na opisyal ng LTO.
Ang renovated building project na ito ay spearheaded ng Stradcom Inc. sa pakikipagtulungan ng LGU-Bayambang. Dati itong naging opisina ng CS1st Bank, CSFirst Green AID Inc., at Kasama Kita sa Barangay Foundation. Ito rin ang dating kinatitirikan ng ancestral house ng pamilya ni Mayor Quiambao.
[smartslider3 slider=888]