Livelihood Orientation for ASF Calamity Victims
Noong December 6, sa inisyatibo ng Agriculture Office, Bayambang Poverty Reduction Team, kasama si Agriculture Modernization Consultant Maricel San Pedro, umattend ang mga African swine fever (ASF) calamity victims sa isang orientation ukol sa iba pang posibleng livelihood projects, available loan program, at product promotion tips.
Ang mga participants sa diskusyon ay taga-Inirangan at Caturay, dalawa sa mga barangay na naapektuhan ng ASF. Dito ay tinalakay ang iba’t ibang mga maaaring alternatibong pagkakitaan, pati na rin ang proseso ng pag-loan at product promotion tips.
Ang naturang diskusyon ay pinangunahan ng iba’t ibang pribadong kumpanya, grupo, at ahensya, kabilang ang DCS Trading/Sarimanok/Pigrolac (chicken layering project), Bayer Company–Dekalb (corn varieties), Agricultural Credit Policy Council, at Nueva Segovia Consortium of Cooperatives.
[smartslider3 slider=890]