Child-Friendly Municipality Ulit sa 2019
Walang puknat ang pagtanggap ng parangal ng LGU-Bayambang sa pagtatapos ng taon!
Noong Disyembre 12, muling nakatanggap ng parangal ang bayan nang hirangin ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang isang Child-Friendly Municipality sa taong 2019.
Sa ngalan ni Mayor Cezar T. Quiambao ay tinanggap nina Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr., Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario, at Municipal Consultant on Poverty Alleviation Lerma Padagas ang 2019 Seal of Child-Friendly Municipality na iginawad sa seremonyang ginanap sa Pangasinan Training and Development Center, Lingayen, Pangasinan.
Naroon si DILG-Region I Director James Fadrilan upang pangunahan ang pagbibigay-parangal.
[smartslider3 slider=887]