7-Day Livelihood Training Workshop for Farmers

TULUY-TULOY ANG REBOLUSYON KONTRA KAHIRAPAN | Palayamanan Plus Participants, Sumailalim sa 7-Day Livelihood Training-Workshop

Sa pag-oorganisa ng Municipal Agriculture Office at sa tulong ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center 1, ang mga Palayaman Plus participants ay sumailalim sa isang pitong araw na livelihood training-workshop sa Pantol Evacuation Center, Brgy. Pantol, noong Nobyembre 12-17, 2019.

Kabilang sa mga naging paksa ay ang mga sumusunod:

– Improved layer poultry farming, chicken production, at goat raising, na tinalakay ng eksperto mula sa Department of Agriculture na si Dr. Jovita Datuin

– Hands-on training on organic foliar and bio-pesticide concoctions, na hatid ni Malvar Iglesias

– Mushroom production, sa tulong ni Onofre Macaraeg

– Farm business planning and workshop, , na hatid ni Maricel San Pedro

Ang Palayamanan ay hango sa pinaghalong termino na “palayan” at “kayamanan,” at ito ay isang model ng diversified integrated rice-based farming system na ayon sa pananaliksik ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice), kung saan isinasabay ang pagtatanim ng palay sa iba pang uri ng hanapbuhay sa kabukiran, tulad ng pag-alaga ng livestock at isda at pagtatanim ng iba pang cash crops.

[smartslider3 slider=847]

 

Prev post:
4Q NSED 2019
Next post:
Moringa Workshop