DUCK, COVER, HOLD! | Mga Lokal na Paaralan, Muling Sumabak sa Quarterly Earthquake Drill
Muling sumabak ang mga lokal na paaralan sa quarterly National Simultaneous Earthquake Drill o NSED upang tuluyang masanay ang mga mag-aaral na maging handa sa ‘di inaasaahang panahon ng sakuna tulad ng matinding paglindol.
Sa ulat ng MDRRMO, may 97% participation ang mga paaralan sa 4th quarter ng taong 2019. Sa 64 na paaralan ng Bayambang ay may 62 ang sumali, kabilang na ang 26 mula sa DepEd Bayambang District I, 30 sa District 2, at 6 sa mga private schools.
May 32,037 katao ang lumahok, kabilang na ang 30,261 na mag-aaral at 1,776 na guro, non-teaching personnel, at mga magulang.
[smartslider3 slider=846]