Moringa Workshop

2-Day Moringa Workshop, Pandagdag-Kaalaman sa Ating mga Magsasaka

Sa inisyatibo ng Bayambang Poverty Reduction Action Team sa pamumuno ni BPRAT Chairperson, Dr. Joel T. Cayabyab, ang Moringaling Philippines Foundation, Inc. ay nagsagawa ng 2-day Moringa Workshop para sa mga lokal na magsasaka noong Nobyembre 18-19 sa Balon Bayambang Events Center.

Naroon upang bumati sa mga kalahok si Vice-Mayor Raul R. Sabangan. “I-take advantage po natin ang workshop na ito para malaman at matutunan ang mga alternatibong pakinabang ng malunggay para ating magamit ang bagong kaalaman na pandagdag sa ating kabuhayan,” aniya.

Pambungad naman ni Municipal Administrator, Atty. Raymundo B. Bautista Jr., “Isa sa ating mga proyekto ay magbigay ng livelihood sa ating mga kababayan. Sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang organisyon ay ating mabibigyan ng karagdagang kita ang mga mamamayan para sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan.”

Naroon din sina Hon. Philip R. Dumalanta at OIC head ng Municipal Agriculture Office, Artemio C. Buezon, upang magpakita ng suporta sa proyekto.

Ang founding chair ng Moringaling Philippines Foundation, Inc. na si Bernadette E. Arellano, at mga kasamahan nito na sina Emmanuel Hugh F. Velasco, Genara O. Matsuoka, Jayson G. Simon, at Engr. Romeo S. Seña, ang nagpaliwanag tungkol sa kung paano magtanim ng malunggay gamit ang organikong pamamaraan at iba pang paksa ukol sa malunggay.

May 60 na partisipante ang nasabing workshop.

 

[smartslider3 slider=850]