Noong Hunyo 20, nakipag-dayalogo ang Bayambang Poverty Reduction Action Team, kasama ang Municipal Agriculture Office, kay Dr. Jovita M. Datuin, Chief Science Research Specialist ng Department of Agriculture Regional Field Office 1, ukol sa livelihood project na Innovative Family Enterprise Development (IFED).
Dala ang kanyang mahabang karanasan sa research and development in organic farming practices, tinalakay ni Dr. Datuin ang free-range chicken production bilang isang cost-effective at sustainable livelihood project para sa isang trial community.
Ayon kay BPRAT head Dr. Joel T. Cayabyab, ang naturang IFED project ni Dr. Datuin ay minsan nang nanalo sa patimpalak. Tinalo nito ang iba pang 54 na kalahok mula sa iba’t-ibang bansa dahil sa practical at sustainable features nito.
[smartslider3 slider=618]