Couples for Christ, mag-iisponsor ng libreng pabahay sa Bayambang

Ang religious group na Couples for Christ, sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit-Bayambang at Department of Social Welfare and Development-Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ay mag-iisponsor ng isang free housing project na magbebenepisyo sa may 100 pamilya.

Ayon sa Bayambang Municipal Operations Office ng 4Ps, ang libreng housing project na ito para sa mga miyembro ng 4Ps mula sa iba’t-ibang barangay ay nakatakdang isagawa sa isang relocation site sa Brgy. Bical Sur. Ang mga benepisyaryo ng nasabing proyekto ay napili at navalidate ng mga Municipal Link at miyembro ng Couples for Christ na karapat-dapat na maisali sa proyektong ito.

Ang Couples of Christ ay isang Catholic charismatic group na kilalang nagiisponsor ng free housing projects sa iba’t-ibang sulok ng bansa sa pamamagitan ng kanilang outreach program na Gawad Kalinga.

[smartslider3 slider=345]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *