“Through your eyes to your soul…”
Ganyan ang naranasang reaksyon ng mga bisita sa Museum of Bayambang ngayong araw, ika-6 ng Hunyo, 2023, habang tinutunghayan ang mga obrang parte ng “Ilalam III: BNHS Senior High Art/Design Exhibit 2023.”
Ang “ilalam” ay isang lumang salita sa Pangasinan na ang ibig sabihin ay “imagination,” at ang eksibisyong ito sa ilalim ng adviser na si Mr. Christopher Gozum ng BNHS ay taun-taong ginagawa para ipakita ang angking galing at imahinasyon ng mga Generation Z senior high school students sa larangan ng sining at disenyo.
Siyempre, ang mga kakaibang orihinal na artworks ay pumukaw din sa imahinasyon ng mga nakasaksi rito.
Dumalo sa isang simpleng programa sina BMCCA Executive Director Januario Cuchapin, Media Affairs Officer, Dr. Leticia B. Ursua, BNHS SSHT VI OIC Elvira Berdul, iba pang guro, at ang lokal na visual artist na si Romrich Olipas.
Ang mga bisita ay namangha sa ipinamalas na husay ng mga kabataang artist sa conceptualization ng kanilang two-channel video installation, art installation, scanography, assemblage sculpture, applique at textile art, at comics/graphic novel.
Ang exhibit ay magtatagal hanggang sa katapusan ng buwan.