Noong June 3 at 4, nagkaroon ng isang Outreach Program sa Balon Bayambang Events Center sa inisyatibo ng Victory Bayambang at iba pang sponsor, sa pakikipagtulungan ng Municipal Nutrition Action Office at Municipal Social Welfare and Development Office.
Naging benepisyaryo ang 51 special children at isang severely underweight na bata.
Ang aktibidad ay parte ng selebrasyon ng kaarawan ni RHU Nurse Lady Philina Duque, na siyang nangalap ng pondo para mabigyan ng food packs ang mga naturang benepisyaryo.