Isang pagrerepaso ang ginanap noong Hunyo 22, sa Mayor’s Conference Room upang i-finalize ang mga bagong panukalang Sustainable Livelihood Projects (SLP) ng DSWD na nakatakdang iimplementa ng Sustainable Livelihood Program–Technical Working Group (SLP-TWG) ng LGU at DSWD.
Ang sesyon, sa pangunguna ni DSWD-RO I Implementing Project Development Officer Gemalyn Labajeros, ay naglalayong mapabuti ang proseso ng pagpapatupad at project operationalization ng mga naturang livelihood project ng ahensya para sa mga 4Ps members.
Ang mga barangay na sakop ng proyekto sa project cycle na ito ay Malioer, Ambayat I, Ambayat II, Carungay, Tatarac, Apalen, Paragos, San Gabriel II, at Pantol.
Ang mga datos ukol ng proyekto ay tinalakay sa review session na ito, at mula sa inisyal na 14 na asosasyon, 12 SLP Associations ang maghahati-hati sa total budget na PhP3,750,000 para sa rice retailing, agricultural supply, at grocery store livelihood packages.