Engineering, Patuloy sa Paglilinis ng mga Kanal

Sa pagsisikap na mapanatili ang isang malinis at walang baha na bayan, ang Engineering Department ay gumawa ng mga hakbang sa pamamagitan ng regular na paglilinis ng mga kanal. Mahalaga ang cleaning operation sa diskarte ng bayan sa pag-iwas sa baha, dahil ang mga kanal ay nagsisilbing vital drainage channel tuwing tag-ulan. Layunin ng departamento na matiyak ang mahusay na daloy ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa panahon ng malakas na pag-ulan.

 

Sa patuloy na paglilinis, maraming kalat at basura ang natagpuan na nagbabara sa mga kanal, kabilang na amg mga plastic bottles. Masigasig silang nagtatrabaho sa pagtanggal ng mga hadlang sa mga kanal. Gayunpaman, ang tagumpay ng mga pagsisikap na ito ay lubos na nakasalalay sa kooperasyon at pagiging responsable ng buong komunidad. Hinihiling ng Engineering Department ang kooperasyon ng lahat na gawin ang kanilang bahagi sa pagpapanatili ng kalinisan at pagpigil sa pag-iipon ng basura at iba pang materyales na maaaring makaharang sa mga kanal.

 

Tandaan, ang isang malinis na bayan ay nagsisimula sa bawat isa sa atin. Magkaisa tayo sa ating pagsisikap at yakapin ang responsibilidad na panatilihing malinis hindi lamang ang mga kanal, kundi ang ating bayan upang matiyak ang mas malinis at mas magandang kinabukasan para sa lahat.

Panatilihing malinis at flood-free ang Bayambang!