Nagwagi ng 2nd runner-up ang Bayambang sa float competition ng provincial government, bilang parte ng pagdiriwang ng Pistay Dayat 2023 sa capitol grounds noong Mayo 1, 2023.
Para sa kumpetisyon, nag-ambagan ang lahat ng lider ng Municipal Agriculture and Fishery Council, Bayambang Farmers’ Federation, at Municipal Association of NGOs, kasama ang Municipal Agriculture Office, upang makagawa ng isang parade float na sumasalamin sa mayabong na agrikultura ng Bayambang. Sila ay gumamit ng mga recyclable materials habang itinatampok ang mga pangunahing produkto ng bayan.
Ang kanilang pagsisikap ay nagwagi ng 2nd runner-up mula sa 25 na kalahok galing sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan.
Ang koponan ay nag-uwi ng P100,000 na premyo mula sa kompetisyon.