Pormal na binuksan noong May 9, 2023, ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang Season Long Training sa “Hybrid Varietal Derby with Emphasis on Palay Check,” na tatagal ng humigit-kumulang na limang buwan. Ito ay pinangunahan ni Jordan B. Junio sa Brgy. Dusoc at nilahukan ng limang seed companies, ang SL AgriScience, LongPing, BioSeed, Leads Agri, at SeedWorks. Ayon sa MAO, sa proyektong ito ay malalaman ang pinakaangkop na binhi sa kabila ng iba’t ibang uri ng hybrid rice seeds sa merkado. Ang mataas na uri ng binhi anila ay ay hindi nangangahulugang umaangkop ang mga ito sa uri ng kapaligiran sa isang sakahan.

Hinakot ngayong araw ng MAO-Bayambang kasama ng local farmers ang alokasyon ng DA na hybrid rice seeds para sa 4,322 ektaryang sakahan sa Department of Agriculture-Pangasinan Research and Exepriment Center, Sta. Barbara, Pangasinan.

 

Ang mga sako ng palay ay inilagak sa Amanperez Covered Court.

 

Ang mga hybrid rice seeds na ito na ipinamahagi sa ilalim ng Hybridization Project ng Rice Banner Program ng DA-Regional Field Office 1 ay ang mga sumusunod:

  • LongPing 2096 – 822 ha.
  • LongPing 534 – 2,000 ha.
  • Biozarap – 500 ha.
  • SL-20H – 1,000 ha.

Nakatakdang ipamahagi ang mga palay sa darating na Lunes (May 29, 2023) sa Brgy. Amanperez Covered Court.