SB Joint Committee Hearing, Ginanap para sa Adoption ng SB Resolution appropriating of Unutilized Calamity Fund-Trust Fund

Ang SB Committee on Finance, Budget and Appropriations and Disaster ay nagpulong noong Abril 20 sa SB Session Hall, Legislative Building, upang pag-usapan ang ukol sa appropriation ng hindi nagastos na 70% Calamity Fund-Trust Fund na nakalaan sa C.Y. 2022 na nagkakahalaga ng P8,717,307.11.

Nanguna sa naturang pagdinig sina SB Committee Chairman on Finance, Budget,and Appropriations, Councilor Philip R. Dumalanta, at SB Committee Chairman on Ecology and Environmental Protection, Councilor Mylvin T. Junio.

Naroon din upang tumulong sa pagdinig sina Councilor Benjie de Vera, Councilor Martin Terrado II, Councilor Gerry Flores, at Councilor Levinson Uy, at iba’t ibang department heads ng LGU bilang mga technical consultants.

Ang joint committee hearing ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho.