Isang Veterinary Mission ang isinagawa ng Provincial Veterinary Office (PVO) ngayong araw, ika-20 ng Abril, sa Brgy. Zone 7 Covered Court, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office, partikular na kay Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario.
Kabilang sa mga libreng serbisyong inalok ng PVO ang anti-rabies vaccination, vitamin supplementation, castration and spaying of cats and dogs, deworming, at consultation.
Sa kabuuan, ang veterinary misison ay mayroong sumusunod na bilang ng naserbisyuhan:
Castrated dogs – 7
Castrated cats – 27
Total pets castrated – 34
Total animals vaccinated – 122
Total clients (pet owners) served – 82