Muling nagwagi ang ICT Office ng recognition sa Digital Awards ng Department of Information and Communication Technology na ginanap sa National Museum of Natural History, Manila noong March 30.
Nasungkit ng ICTO sa ilalim ni ICT Officer Ricky Bulalakaw ang 2nd Place sa Government Internal Operations – Municipal Level para sa implementasyon nito ng document tracking system sa buong LGU.
Sa pamamagitan ng document tracking, madali nang matrace kung natanggap o hindi ng isang opisina ang isang dokumento at kailan. Naiiwasan sa tracking ang pagkawala ng mga dokumento at pagkantala ng mga aktibidad o proyekto nang dahil sa nawawalang papel at balakid sa maayos na komunikasyon sa pagitan ng iba’t-ibang departamento ng Munisipyo.