Mobile Assistance para sa Delayed Registration of Birth, Tuluy-Tuloy

Gaya ng naipangako ng Local Civil Registry Office, nagpatuloy ang departamento sa pag-asiste sa mobile assistance para sa libreng Delayed Registration of Birth ng Philipine Statistics Authority.

 

Normally, ang serbisyong ito ay may bayad, kaya’t inaabisuhan ang publiko na samantalahin ang pagkakataong ito. Mahalagang tulong ito para maiwasan ang aberya dala ng kawalan ng authenticated na Certificate of Live Birth o birth certificate.

 

Nitong mga nakaraang araw, sila ay nagtungo sa Brgy. Bical Sur, Idong, Ligue, M.H. Del Pilar, Magsaysay, Wawa, Zone I, Zone V, Inanlorenza, Poblacion Sur, Zone IV, at Zone V.