Eye Patients, Matagumpay na Naoperahan sa Maynila

Bilang parte pa rin ng Medical Mission 2023, matagumpay na naoperahan ng libre ngayong araw ang mga pasyente na nakapagpalista for eye operation sa Tzu Chi Eye Center sa Sta. Mesa, Manila.

 

Ayon sa RHU, may 20 sa mga ito ang nakapag-avail ng cataract extraction, at 2 naman ang sumailalim sa pterygium excision. Isang pasyente ang deferred ang operasyon dahil sa high blood sugar, at isa naman ang for follow-up para sa glaucoma specialist sa Tarlac (Dr. Macaraig) sa Pebrero 13.

 

Nakipag-areglo ang Bayambang Poverty Reduction Action Team sa provincial government para sa transportation arrangement para sa mga pasyente at LGU staff.