Congresswoman Arenas, Muling Dumating para sa TUPAD Pay-out

Muling nag-organisa ang Municipal Employment Services Office ng isang pay-out para sa 2,973 benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, gamit ang pondo ng opisina ni Congresswoman Rachel ‘Baby’ Arenas, na personal na bumisita sa payout activity.

 

Kabilang sa mga beneficiaries ang mga farmers, LGBTQI community members, at sari-sari store owners.

 

Ang pay-out ay isinagawa sa Alinggan Covered Court mula January 18 at magtatapos ng January 19.