Public Hearing ukol sa Bagong Revenue Code, Napuno ng Palitan ng Kuru-Kuro

 

Isang public hearing ang matagumpay na idinaos ng Sangguniang Bayan (SB) ukol sa panukalang ordinansang, “An Ordinance Enacting the Revised Revenue Code of the Municipality of Bayambang, Pangasinan” noong January 20 sa Balon Bayambang Events Center.

 

Pinangunahan ang pampublikong pandinig ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at ng SB Committee Chairman on Finance, Budget and Appropriations, Konsehal Philip Dumalanta, at Committee Chairman on Ways and Means, Konsehal Amory Junio, kasama sina Konsehal Martin Terrado II, Konsehal Benjie de Vera, Konsehal Mylvin Junio, Konsehal Gerardo Flores, at SK Federation President Gabriel Tristan Fernandez.

 

Naroon din sina Atty. Bayani Brillante Jr., Municipal Treasurer Luisita Danan, Municipal Assessor Annie de Leon, OIC Market Supervisor, Atty. Melinda Rose Fernandez, at ang tatlong duktor ng bayan, Dra. Paz F. Vallo, Dra. Adrienne Estrada, at Dr. Roland Agbuya, BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, at Municipal Engineer Eddie Melicorio.

 

Sa pandinig ay tinalakay ang nilalaman ng ordinansa ukol sa pagbago ng mga binabayaran na serbisyo sa munisipyo, at naging sentro ng usapin ang pagpapaliwanag sa publiko kung bakit kailangang update ang Revenue Code at magbayad ng buwis.

 

Ang public hearing ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho, at ito ay dinaluhan ng 77 Punong Barangay at mga business establishment owners sa Bayambang. Naroon din ang ilang civil society organizations upang malaman ang kanilang mga saloobin at suhestiyon para makatulong sa pag-finalize ng nasabing panukalang batas para sa isang maayos at updated na Revenue Code.