Nagliwanag ang bawat barangay dahil sa mga pailaw at dambuhalang parol na gawa ng iba’t-ibang barangay ng Bayambang para sa Brightest Barangay Contest at Giant Parol-Making Contest na inorganisa ng Municipal Tourism and Information Cultural Affairs Office. Apatnapu’t-dalawa na kalahok ang nagpamalas ng pagkamalikhain gamit ang recycled materials, at itinanghal na Brightest Barangay ang Hermoza, kasunod ang Reynado at Warding. Nagwagi naman ang makulay at magandang parol mula sa Zone VII, kasunod ang Hermoza at Brgy. Reynado. Ginanap ang judging noong December 13 hanggang December 15.