Matapos ang napakahabang panahon, ang problema sa matinding siksikan o kawalan ng espasyo sa ating public cemetery ay nireresolba na sa wakas at patuloy na tinututukan magmula nang maupo ang administrasyong Quiambao-Sabangan noong 2016.
Noong November 11, nagsagawa ang Sangguniang Bayan (SB) Committee on Infrastructure and Public Works at Committee on Health and Sanitation ng isang public hearing ukol sa proposed draft ng “An Ordinance Providing for the Operation in the Public Cemetery in the Municipality of Bayambang, Pangasinan.”
Pinangunahan ang hearing nina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at mga miyembro ng mga naturang komite na sina Councilor Mylvin Junio, Councilor Martin Terrado II, Councilor Levinson Nessus Uy, at Sangguniang Kabataan Chairman Gabriel Tristan Fernandez. Naroon din sina Municipal Assessor Annie de Leon, Market Supervisor, Atty. Melinda Rose Fernandez, at Sanitary Inspector Danilo Rebamontan at ang kanyang staff upang maging gabay sa pagbuo ng naturang ordinansa.
Ang public hearing ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho, at ito ay dinaluhan ng publiko upang malaman ang kanilang mga saloobin at suhestiyon para makatulong sa pagbuo ng nasabing panukalang batas para sa isang maayos na public bonery sa Bayambang.