Community-Based Drug Rehabilitation Program, Muling Idinaos

Isa na namang Community-Based Drug Rehabilitation Program ang idinaos ng Bayambang Municipal Anti-Drug Abuse Council ngayong araw, November 22, sa Balon Bayambang Events Center bilang parte ng monitoring process sa mga nagbabagong-buhay na drug personalities o reformists.

 

Nanguna si Mayor Niña J. Quiambao sa mga nagbigay ng inspirasyunal na mensahe upang patuloy ang mga drug reformists na tahakin ang tamang landas. Kasama rin sa mga nagbigay ng mabuting payo sina Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo, at PNP-Bayambang Deputy Chief of Police, PMaj. Mark Tubadeza.

 

Naging lecturer naman ukol sa Spiritual and Moral Recovery Program si Ptr. Ilarde Aggabao ng Bayambang Baptist Church. Nagbigay ng testimonial ang ama ni Mayor Niña na si G. Philip Jose upang mainspire ang mga reformists na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay at patuloy ang pagmove-on tungo sa pagbabago imbes na gumamit ng droga. Tungkol sa science of addiction naman ang tinalakay ni Vincent Carlo A. Tabirara, Program Director ng Odyssey, at ng psychologist na si Dr. Dunn Donald Atayde Asencio.