Bayambang CLUP-ZO at Local Shelter Plan, Aprubado Na!

Inanunsiyo ngayong araw, October 18, ni Municipal Planning and Development Coordinator Ma-Lene S. Torio na aprubado na sa wakas ang formulation ng Comprehensive Land Use Plan-Zoning Ordinance at Local Shelter Plan ng bayan ng Bayambang matapos itong kilalanin ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) at Sangguniang Panlalawigan.

 

Nauna nang ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang CLUP-ZO nito at Local Shelter Plan noong mga nakaraang taon.

Matatandaang ang CLUP-ZO ng Bayambang ay binalangkas ng bantog na urban planner na Palafox & Associates sa tulong ni dating mayor, Dr. Cezar T. Quiambao.

 

Sa pagkakaapruba ng CLUP-ZO at Local Shelter Plan, maaari nang mag-implementa ang LGU ng mga development projects nito alinsunod sa mga alituntuning nakapaloob sa dalawang dokumentong ito.