Brgy. Tococ East, Cleanest Barangay Muli!

Sa ikalawang linggo ng Oktubre, inanunsyo ni MENRO Joseph Anthony F. Quinto na muling nagwagi ang Brgy. Tococ East bilang pinakamalinis na barangay para sa buwan ng Setyembre sa ilalim ng proyektong “Bali Balin Bayambang” ni Mayora Niña J. Quiambao. Ang awarding ay ginanap noong October 10, matapos ang flag-ceremony sa Balon Bayambang Events Center.

 

Sa pahayag ng pasasalamat ni Tococ East Punong Barangay Roy V. Camacho, sinabi niyang “Muli kaming nagwagi bilang cleanest barangay dahil ipinairal namin ang pagiging disiplinado at maayos para sa aming barangay. Kahit matapos na ang programang ito, amin pa ring pananatilihing maging malinis ang aming pamayanan para sa ikakabuti ng aking mga kabarangay.”

 

Sa ginawang pagmo-monitor ng Ecological Solid Waste and Management Office, itinanghal namang 1st runner-up muli ang Brgy. Ambayat 1st at 2nd runner-up naman ang Brgy. Inirangan. Ani G. Quinto, maraming barangay na ang naglelevel-up sa kanilang performance dahil sa pacontest na ito.

 

Ang P15,000 cash prize na nakatakdang tanggapin ay mula sa sariling bulsa ng alkade, at ito ay dinagdagan ng P10,000 mula sa ama ni Mayor Niña na si G. Philip Jose.

Sa inilunsad na programang ito ay natuto ang bawat Bayambangueño na magkaisa upang maging malinis at bali-bali o kaaya-aya ang bayan ang Bayambang.