Matapos matanggal ang dalawang truck, agad nang inumpisahan ang konstruksyon ng bailey bridge o temporary bridge sa nasirang bahagi ng Carlos P. Romulo Bridge o Wawa Bridge sa Brgy. Wawa.
Magtatrabaho ng 24 hours sa 3 shifts ang mga personnel ng DPWH at Engineering Office ng LGU, kasama ang Motorpool.
Inaasahang maitayo ang naturang bailey bridge sa loob ng dalawang linggo basta’t maganda ang panahon.
Hanggang 5 tonelada lamang ang kaya ng naturang tulay, kaya one way lang ito sa ngayon, at ang maaari lamang dumaan ay mga pedestrian, bike, motorbike, at maliit na kotse.
Ang LGU ay mapoprovide ng 30 laborers/construction workers at 15 welders sa emergency construction project na ito.