Tax Declaration ng Assessor’s, Patuloy

Sa buong buwan ng Agosto hanggang ika-12 ng Setyembre ay patuloy na nag-ikot ang team ni Gng. Annie de Leon, Head ng Municipal Assessor’s Office, sa iba’t ibang barangay kabilang ang Apalen, Alinggan, Amanperez, Bani, Bongato West at Carungay upang makapag-issue ng tax declaration.

 

Isa-isa nilang sinusuri ang mga establisyimento doon, mapa-residential man o commercial upang maipaalam sa mga residente ang tamang halaga ng kanilang babayarang amilyar bilang pagsunod sa umiiral na batas.

 

Malaki ang magiging papel ng ambag na ito ng mamamayan para sa patuloy na progreso ng bayan, dahil sa real estate tax nanggagaling ang malaking kita o revenue ng Munisipyo na ginagamit sa iba’t-ibang development projects ng LGU.

Patuloy na hinihikayat ang bawat Bayambangueño na maging maagap at tapat sa pagbabayad ng buwis bilang mga responsableng mamamayan ng Bayambang.

 

[smartslider3 slider=2350]