Noong August 31, nagsagawa ang Sangguniang Bayan Committee on Transportation and Communication ng isang pagdinig ukol sa panukalang ordinansa sa bagong fare matrix ng mga pampasaherong tricyle sa bayan ng Bayambang. Sa public hearing na ginanap sa Balon Bayambang Events Center at inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho, tinalakay ang iba’t-ibang paksa kaugnay ng ordinansa, gaya ng load capacity limit, penalty for violators, atbp., subalit naging sentro ng usapin ang paggawa ng bagong fare matrix.
Pinangunahan ang hearing ni Vice-Mayor IC Sabangan kasama ang chairman ng naturang komite na si Councilor Amory Junio, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Councilor Martin Terrado II, Councilor Philip Dumalanta, Councilor Benjie de Vera, Councilor Jose ‘Boy’ Ramos, Councilor Levinson Nessus Uy, at Liga ng Barangay President Rodelito Bautista.
Dumalo rin sina Mayora Niña Jose-Quiambao at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Bayambang Public Service Office Chief Leonardo Solomon, OIC MPDO Ma-lene Torio, Municipal Treasurer Luisita Danan at representante mula sa PNP-Bayambang upang makinig at tumulong sa pagtalakay sa isyu.
Naroon din ang mga Punong Barangay, senior citizens, at ilang sangay ng gobyerno, partikular na ng mga opisyal at miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Bayambang, upang malaman ang kanilang mga saloobin at suhestiyon nang makatulong sa pagbuo ng nasabing batas para sa isang maayos na public transportation sa bayan.
Sa panukalang ordinansang ito, binanggit ni Mayora Niña Jose-Quiambao sa mga registered tricycle drivers na nais nitong maging iisa ang kulay ng mga tricycle upang madaling maidentinfy ang mga pumapasada na may prangkisa. Inutusan niya rin na maging istrikto ang Bayambang Public Safety Office at PNP sa paghuli sa mga colorum na tricycle upang masolusyunan ang hinaing ng mga tricycle drivers na may prangkisa dahil para ito sa ikakabuti ng mas nakararaming mamamayan sa Bayambang.
Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa ang ukol sa bagong fare matrix matapos ang magkakasalungat na suhestiyon ukol rito.
[smartslider3 slider=2342]