Kasabay ng pagsikat ng araw ngayong Agosto 26, ang buong team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) mula Munisipyo ay bumiyahe papuntang Amancosiling Sur Covered Court upang magbigay serbisyo sa tatlong barangay sa District 3, ang Brgy. Amancosiling Norte, Amancosiling Sur at San Gabriel 1st, sa pangunguna nina Coun. Amory M. Junio, Coun. Gerardo DC. Flores, Coun. Philip R. Dumalanta, at Coun. Mylvin T. Junio.
Ang buong KSB Team ay sama-samang sinalubong ng mga kapitan na sina Jolly V. Medrano (San Gabriel 1st), Almario D. Ventura (Amancosiling Norte), at Alexander J. Favi (Amancosiling Sur) at kanilang mga kagawad at iba pang kasamahan sa barangay.
Kaakibat ang mainit na pagtanggap sa mga dumalo, lubos ang galak at pasasalamat ni Brgy Capt. Alexander Favi sa kanyang pambungad na mensahe na napili ang Brgy. Amancosiling Sur upang maging venue. Sabi niya, “Masaya ako at tayo ay muling nagtipun-tipon para matugunan ang ating mga pangangailangang medikal at iba pang serbisyo. Tunay nga na may pagkakaisa sa ating lahat.”
Naroon din sa naturang event ang MESO, Treasury Office, Assessor, LCR, MDRRMO, BPSO, at GSO, pati na ang mga CSO na Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. at Rotary Club of Bayambang. Nagkaroon ng libreng makeover, pamamahagi ng medical supplies, dental services, covid-19 vaccination, anti-rabies vaccination para sa mga house pets, at iba pang serbisyo para sa lahat ng nagpunta.
Sa mensahe ni Coun. Amory M. Junio, aniya, “Masaya ang buong team na inilapit at inihatid sa inyo ang serbisyo na malapit sa inyong lahat upang hindi na kayo magpagod pang pumunta sa bayan sa layo at mahal ng pamasahe at gasolina. Kaya, narito kami upang masubaybayan ang lahat ng puwede naming maibigay sa ating bayan na may tatak Total Quality Service.”
Mensahe naman ni Coun. Gerardo DC. Flores, “Kasama kaming lahat sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Ang nais namin sa buong bayan ay magkaroon na magandang buhay (ang lahat). Libre naming binibigay sa inyo ang mga serbisyong inyong makukuha ngayon, dahil pinapakita namin ang tunay na pagmamahal sa aming pamamahala.”
Narito ang datos, mula sa tala ng overall organizer na si Dr. Roland M. Agbuya:
Registered clients at the venue (care of HRMO & Accounting): 346
Registered clients in field services: 736
Total registered clients: 1,082
Breakdown of field services:
MAO anti-rabies vaccination: 203 animals; 123 clients/owners (P20,300)
Assessor: 52
Treasury: 465
Dental services: tooth extractions: 15; teeth extracted: 18 (P2,700); dentures: 9; dentures (per arch): 18 (P18,000); fluoride application, toothbrushing drill, oral health IEC: 42 patients (P12,600); total patients: 66; total cost: P33,300
Chest X-ray: 0
Ultrasound: 24 (P9,600)
Circumcision: 6 (P3,000)
MSWDO: 15
LCR: 17 (P9,800)
MPDC: 0
MAC: 1
MESO: 0
KKSBF haircut: 123 clients; 10 barbers (P7,000)
Medical Consultation: 154 (adult: 120; pedia: 34)
Prenatal check-up: 13
Blood chem/serology/CBC/UA/Hgb,Hct: 45 patients (P28,090)
Medicines and vitamins: 180 clients (P26,164)
Giveaways: 390 clients (P11,100)
MDRRMO distribution of face masks: 210 pieces (P1,470)
RHU’s Health IECs
0-5 y.o.: 67
6-10 y.o.: 74
11-19 y.o.: 50
20-59 y.o.: 108
60 & above: 78
pregnant: 13
GSO food (for participants): P42,485
Total clients vaccinated against Covid-19: 20
[smartslider3 slider=2330]