Tuluy-tuloy ang ESWMO-Bayambang sa kanilang Information, Education and Communication campaign kada buwan ukol sa RA 9003, at sa buwang ito ay nag-information campaign ang departamento para sa mga District 2 barangays nang tipunin ang mga barangay officials ng distrito sa Balon Bayambang Events Center noong Agosto 25. Kabilang sa mga dumalo ang Bongato East, Bongato West, Iton, Manambong Norte, Manambong Parte, Manambong Sur, Pantol, Paragos at San Gabriel 2nd.
Kabilang sa mga tagapagsalita sina Environmental Management Specialists Luz B. Cayabyab at Eduardo Angeles Jr. ng ESWMO at Atty. Glee-ce Macaranas Basco mula sa Public Attorney’s Office.
[smartslider3 slider=2329]