Inaprubahan na ng Commission on Higher Education ng Department of Education ang mga kurso na handog ng Bayambang Polytechnic College. Sa kanilang pagbisita sa kolehiyo sa 3rd Floor ng Royal Mall noong ika-16 ng Agosto, inaprubahan ng mga bumisitang opisyal ang dalawang 4-year courses na BS Entrepreneurship at BS Agribusiness.
Malugod na tinanggap nina Mayor Niña Jose-Quiambao at BPC President, Dr. Rafael L. Saygo, ang magandang balita mula sa CHED Region I officials na sina Dr. Danilo B. Bose (OIC Regional Director), Mr. Reyen M. Sabate (Chief Education Program Specialist), Engr. Angelica Q. Dolores (Supervising Education Program Specialist), Dr. Juan Primitivo P. Petrola (Education Supervisor II, Focal for Local Universities and Colleges), at Dr. Ricky A. Cera (Education Supervisor II for Business Programs).
[smartslider3 slider=2318]