Pagtatayuan ng 2 Bagong PCP, Ininspeksyon ng POSO at PNP

Pagtatayuan ng 2 Bagong PCP, Ininspeksyon ng POSO at PNP

 

Noong ika-29 ng Hulyo, ininspeksyon ng POSO, sa pangunguna ni Ret. Col. Leonardo Solomon kasama si PMaj. Ramil Llarenas ng PNP-Bayambang, ang Brgy. Mangayao at Brgy. Balaybuaya para sa pagtatayuan ng bagong Police Community Precinct (PCP) sa mga naturang barangay.

 

Ang presensiya ng kapulisan sa lugar ay tiyak na magpapaigting sa kaayusan at seguridad sa distrito.

 

Sa kabilang dako, muli na namang umikot ang POSO at PNP-Bayambang sa Brgy. Nalsian Sur at Nalsian Norte upang masabihan ang mga barangay officials at mga residente ukol sa mga ipinagbabawal na road obstructions kabilang na ang pagbibilad ng mais sa lahat ng national road.

 

Ipinaala-ala sa kanila na kailangang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko at maiwasan ang anumang aksidente na maaaring ikapahamak ng motorista.

 

[smartslider3 slider=2294]