Training para sa Hog Raising Beneficiaries
Bilang pagtugon pa rin sa mga nasalanta ng African swine fever (ASF) noong mga nakaraang taon, nagkaroon ng isang pagsasanay para sa 51 na bagong benepisyaryo ng Hog Raising Project sa Barangay Langiran ngayong August 4.
Dito ay nagtulungan ang Municipal Agriculture Office, Office of the Special Economic Enterprise, Municipal Social Welfare and Development Office, Bayambang Poverty Reduction Action Team, Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc., at agriculture consultants ng Munisipyo, kasama ang ng UNAHCO at DCS Trading.
Naging resource speaker sa naturang pagsasanay si UNAHCO Veterinarian, Dr. Bryan Cayad-an, para bigyan ng karagdagang kaalaman sa Hog Management and Biosecurity ang mga benepisyaro.
Kasama din sa talakayan ang patungkol sa Financial Planning, na ipinaliwanag naman ni Agriculture Consultant Maricel San Pedro.
Layunin ng lokal na pamahalaan na tulungang bumangong muli ang mga Bayambangueño na dati nang nasalanta ng ASF at makatulong sa pag-istabilize ng supply ng karne ng baboy sa merkado.
[smartslider3 slider=2292]