Lions Club Garage Sale
Ang Bayambang Bayanihan Lions Club (BBLC) ay naglunsad ng isang garage sale na tinaguriang “Pre-Loved Goals” ngayong araw, June 19, sa Gozum residence (sa tabi ng Diversitea), Brgy. Magsaysay, para lumikom ng pondo para sa kanilang charity fund.
Ang grupo na pinamumunuan ng kanilang President na si Engr. Eulito C. Junio ay nagbenta ng iba’t-ibang pre-loved o ukay items, at ang nalikom na kita ay mapupunta sa gagastusin para sa isang bloodletting activity sa July 10, 2022, kung saan magkakaroon ng free blood sugar screening, at isang feeding program, free eye check-up, at distribusyon ng free vitamins, kasama ang Bayambang Municipal Association of NGOs (MANGOs), kung saan miyembro ang Lions.
Ayon kay MANGOs President Vilma Q. Dalope, ang BBLC ay muling magkakaroon ng naturang garage sale sa susunod na Sabado sa naturang venue, at ito ay sasabayan pa ng live selling.
Nagpapasalamat ang lahat ng officers at members ng BBLC sa pag-sponsor sa kanilang uniform ni Mayor Cezar Quiambao at Mayora Niña Jose-Quiambao.
[smartslider3 slider=2232]