KSB Team, Nagtungo sa Brgy. Bacnono

‘’Maganda at gumaan ang aming pamumuhay sa ganitong programa sapagkat nabibigyan ng tulong ang kapwa ko na walang pera na pambayad para magpacheck-up, kaya lubos kaming nagpapasalamat kay Mayor CTQ sa walang sawang pagtulong sa aming mga kapus-palad.’’

Iyan ay ayon kay Caroline Surait ng Bacnono, at isa lamang ito sa mga feedback na natatanggap ng Munisipyo tuwing mayroong Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa iba’t-ibang barangay.

 

At noong ika-17 ng Hunyo, ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5 ay dinala naman sa Bacnono Elementary School sa Brgy. Bacnono upang pagsilbihan ang mga sumusunod na barangay sa District 8: Bacnono, Ataynan, at Tambac. Gaya nang inaasahan, pinangunahan ang delegasyon na mula sa munisipyo nina Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo, RHU II head Dr. Adrienne Estrada, at iba pang mga opisyales kabilang na ang mga iba’t-ibang department head.

Pinangunahan naman ni Tambac Punong Barangay Bienvenido B. Junio ang pagwelcome sa mga taga-Munisipyo, pati na rin si Bacnono Elementary School Principal Sonny Claveria na aniya, ‘’Napakaswerte natin dahil inilalapit na ang iba’t-ibang serbisyo ng lokal na pamahalaan sa bara-barangay. Ito talaga ang tunay na Total Quality Service na walang makakapantay kahit sinuman.’’

 

Sa kanyang mensahe, matiyagang iniisa-isa ni Mayora Niña Jose Quiambao via pre-recorderd video ang mga latest accomplishments ng administrasyong Quiambao-Sabangan, gaya ng naipagawang mga RHU sa Carungay, Macayocayo, at Pantol, at ngayon ay ang ipinapatayo sa Mangayao. Bukod sa mga ito, itinatayo na rin ang Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center isang tertiary hospital na ima-manage ng The Medical City. Kapag nagbukas ito ay magkakaroon ng pintuan para sa mga Bayambangueño na nangangailangan ng makabagong teknolohiya sa kanilang tests at procedures. Libre ang mga ito para sa mga nangangailangan.

Sa sektor naman ng edukasyon sa darating na pasukan ay bubuksan na ang Bayambang Polytechnic College kung saan pwedeng mag-enroll ang mga estudyanteng Bayambangueño na nais magtapos sa pag-aaral. Pinagsisikapan ito ng ating Lokal na Pamahalaan dahil naniniwala tayo na edukasyon ang kailangan upang tuluyang matuldukan ang kahirapan sa bayan.

Sa dulo ng programa, ipinabatid ni KSB Chairperson, Dr. Roland Agbuya, na bago ma-iavail ang mga services ay kailangan munang makinig sa isang information education campaign ukol sa kalusugan upang magabayan ang mga mamamayan sa dapat nilang gawin para mapanatili ang malusog na pangangatawan.

Narito ang mga datos mula sa ulat ni Dr. Agbuya:

Registered clients at the venue (care of HRMO & Accounting): 271

Registered clients in field services: 695

Total registered clients: 966

[smartslider3 slider=2229]