Ginawaran ang Brgy. Sancagulis ng Bayambang, sa pamumuno ni Punong Barangay Marcelo Caniezo, ng Seal of Good Local Governance sa isang pilot assessment ng Department of the Interior and Local Government para sa mga piling barangay nationwide.
Ang Sancagulis ay isa sa 549 lamang na passers sa pinakamataas na recognition na ito na iginagawad ng national government sa mga LGUs, na ngayon ay nasa tatlong lebel na: provincial, city/municipal, at barangay.