Estrella, Sponsor ng Latest TUPAD Payout

DAR Secretary Estrella, Sponsor ng Latest TUPAD Payout

 

Dahil sa magandang samahan ni former Mayor Cezar T. Quiambao sa Deputy Speaker ng ABONO Partylist at ngayon ay Department of Agrarian Reform Secretary, Conrado Estrella III, mayroon muling ginanap na payout para sa Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Displaced Workers o TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong July 5, 2022 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

 

Ito ay inorganisa ng Public Employment Services Office sa pamumuno ni OIC Municipal Public Employment Services Officer, Joseph Anthony Quinto. May 1,290 na Bayambangueño ang naging benepisyaryo na mula sa 77 barangays at nauna nang kinunan ng datos ng DOLE sa nakalipas na profiling activity sa Brgy. Alinggan.

Ang programang TUPAD ay naglalayong magbigay ng temporary employment sa mga mamamayan na nawalan ng hanapbuhay lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Naging posible ito sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa opisina ng DOLE at kina Sec. Estrella.

 

[smartslider3 slider=2208]