- Matapos magbigay ng mga requirements at makapasa sa validation ng Safety Seal, malugod na pinarangalan ng Business Processing and Licensing Unit ng Treasury Office ang Kuya Tiano’s Place noong February 18, 2022 ng Safety Seal. Kasabay din nito ang renewal ng Jollibee ng kanilang Safety Seal.
- Nagsagawa rin ng Awareness on Safety Seal Certification sa mga iba’t-ibang business establishments gaya ng Marv’s Unli Wings, Jozo Café, Pasadena at Ariel and Fe, upang lalo pang mapaigting ang pagpapatupad ng minimum public health standards at mabigyan ng kumpiyansa ang mga consumers na bumisita sa knilang establisimyento.
- Nag-inspeksyon din ang BPLO sa mga establisimyento na nag-ooperate ng walang kaukulang Business Permit, partikular na sa Public Market at sa M. H. del Pilar St. Kabilang din ang mga barangay na ininspeksyon ang Brgy. Idong, Sanlibo, Bani, Zone I, at Inanlorenza. Hinihikayat ang mga store owners na makipag-ugnayan sa tanggapan ng Treasury para sa kanilang Business Permit.
- Kasama rin sa pagmonitor at inspection ng BPLO ang farm-to-market road sa Ambayat 1st.
- Patuloy pa rin ang Tax Campaign at pagbibigay ng Real Property Tax bill sa iba’t-ibang barangay. Sa buwan ng Pebrero, napuntahan nila ang Brgy. Sanlibo, Inanlorenza, Idong, Paragos, San Gabriel 2nd, Iton, Pangdel, Tatarac, Apalen, Ambayat 1st, at Ambayat 2nd. Umabot sa 1,262 na taxpayers ang nabigyan ng kani-kanilang Real Property Tax bill. Kasama rin sa tax campaign ang pagbibigay-alam na hanggang Marso 31, 2022 na lamang ang may discount sa amilyar ng lupa at bahay.
- Pinuntahan ang Brgy. Reynado, Bical Sur, Pangdel, at San Gabriel 1st kung saan may 62 na alagang baka ang namarkahan at nabigyan ng kaukulang dokumento.
- Nabigyan ng kanya-kanyang Community Tax Certificate ang lahat ng empleyado ng LGU, patunay lamang na ang lahat ng empleyado ng LGU ay sumusunod sa tamang pagbayad ng buwis. Karamihan naman sa mga barangay officials ay nakakuha na rin ng kanilang Community Tax Certificate na kailangan nila para sa SALN o ang mandatory Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth. Hinihikayat naman ang mga barangay na di pa nakakuha ng CTC na maaari pang kumuha ng kanilang CTC, kasama rin ang pagbibigay serbisyo sa mga senior citizens na binibigyan ng home service sa pagkuha ng kanilang cedula kapag ‘di nila kayang ang magpunta sa Munisipyo.
Patunay lamang na ang tanggapan ng Treasury ay 100% na nakikiisa at buong puso na nagbibigay-serbisyo sa mga Bayambangueño.
[smartslider3 slider=2026]