Oplan Sita, Pinaigting ng POSO at PNP

Oplan Sita, Pinaigting ng POSO at PNP

Muling pinaigting ng mga traffic enforcers ng POSO kasama ang PNP-Bayambang ang pagpapatupad ng Oplan Sita upang maimplementa ang batas na nagbabawal sa illegal mufflers, alinsunod sa Municipal Ordinance No. 5, series of 2016. Sa pamumuno ni Ret Col. Leonardo F. Solomon, POSO Chief, maayos na nagampanan ng mga tauhan ang kanilang mga tungkulin.

Ang pinagsanib na puwersa ng POSO at PNP ay nakasabat ng mga pasaway na motorista na may violation tulad ng paggamit ng illegal muffler, o kaya ay not wearing helmet, driving without licence, at iba pa.

Pakiusap ng POSO Chief sa mga motorista, “Sumunod lamang sa mga batas kalsada upang maiwasan ang disgrasya at para sa kaayusan ng bayan at sa ikabubuti ng lahat.”

– POSO PIO

 

[smartslider3 slider=1982]

 

 

 

 

 

 

 

[smartslider3 slider=1982]