12 Solar Dryers, 3 Covered Courts: Latest Barangay Infra Projects na Pinondohan ng Pamilya Quiambao
Isa na namang makabuluhang proyekto ang sinimulan noong Enero sa taong 2022, kung saan muling ipinakita ng ating butihing Mayor Cezar T. Quiambao ang kanyang suporta at pagmamahal sa mga magsasaka ng Bayambang. Ito ay ang labindalawang solar dryers na kasalukuyang ginagawa sa iba’t-ibang barangay:
- Ligue – 450 sqm
- Bongato East – 500 sqm
- Ambayat 1st – 300 sqm
- Ambayat 2nd – 500 sqm
- Dusoc – 1,000 sqm
- Ataynan – 1,000 sqm
- Alinggan – 400 sqm
- Macayocayo – 500 sqm
- Caturay – 500 sqm
- Pantol – 200 sqm
- Inanlorenza – 1,000 sqm
- Mangayao – 1,000 sqm
Inaasahang matatapos ang mga proyektong ito sa buwan ng Pebrero at magagamit ng ating mga magsasaka sa pag-aani ng mais sa darating na Marso. Ang pondo para sa proyektong ito ay galing mismo sa sariling bulsa (personal funds) ng ating butihing Mayor Cezar T. Quiambao at Mayora Niña Jose-Quiambao.
Bukod dito ay mayroon pang karagdagang proyekto — ang tatlong Covered Court sa Brgy. Tambac, Zone V, at Zone VII — na pinasisimulan na nitong Pebrero ni Mayor Quiambao at inaasahang matatapos ng April 2022 bago mag-eleksyon.
Ilan lamang ito sa napakarami nang proyektong pang-imprastraktura na di pinondohan ng gobyerno na tahimik na isinasagawa ng pamilya Quiambao at Team Quiambao-Sabangan simula pa noong 2016.
[smartslider3 slider=1981]