MDRRMO, Nakiisa sa Tree Planting Activity ng PNP
Noong January 26, ang MDRRMO ay nakiisa sa “Simultaneous Tree Planting Activity” ng PNP Bayambang na ibinaba ng Pangasinan Police Provincial Office. Sa pamumuno ni PLtCol. Jim Helario, sumama rin sa tree planting ang mga opisyales ng Brgy. Malioer sa pamumuno ni Kapitan Oscar Padua, Municipal Association of NGOs sa pamumuno ni Vilma Dalope, at CIS sa pamumuno ni Glen B. Villanueva.
Mahigit limampung piraso ng bamboo seedlings ang naitanim sa Brgy. Malioer. Ayon sa MDRRMO, nakatutulong ang pagtanim ng kawayan upang maiwasan ang pagguho ng lupa o soil erosion, bukod pa sa iba pang benepisyo.
[smartslider3 slider=1961]